Pasado na sa pangalawang pagbasa ang ordinansa para sa pag isyu ng 15,000 na prangkisa sa mga pampasaherong traysikel sa lungsod sa ika 43rd Regular Session ng 20th Sangguniang Panlungsod ng Heneral Santos. Tinaas ng nasabing ordinansa ang bilang ng ilalabas na prangkisa galing sa orihinal na 9,000 lamang. Binigyan linaw din ng ordinansa na ang clustering ng traysikel ay nakabase sa ruta at hindi sa mga kooperatiba na napaloob sa nasabing cluster. Layunin ng ordinansa na gawing patas ang pagkuha ng prangkisa at byahe sa mga ruta dahil naniniwala ang Sangguniang Panlungsod GenSan na ang pagmamaneho ng traysikel ay hindi lamang negosyo kundi pangkabuhayan ng ating mga draybers at ng kanilang pamilya. Inaasahang papasa sa ika tatlo at pinal na pagbasa ang nasabing ordinansa sa lalong madaling panahon.

 
Ojktoto Togel